Ragnarok Customer Support

War of Emperium

Press 2017-09-18 19:13:03

Litrato nating dalawa, Naalala mo pa ba? :)

War of Emperium? Diba dapat mabasag niyo lang naman yung emperium doon tapos kailangan niyo i defend hanggang matapos yung oras?"

Oo, tama ka. Marahil 'yan nga talaga ang war of emperium. Iba't ibang player, iba't ibang kwento ang madidinig mo. Hindi ko alam na dito mag sisimula ang ating kuwento. 
Unang beses mo akong makita sa WoE, galit ka, gusto mo akong patayin. Bakit? lahat kaya mong patayin maliban sa akin. Naging layunin mo na ako'y patayin tuwing digmaan.

Ngunit isang araw, ika'y ipinakilala ng aking guildmate (si Sasuke, oo iyan ang kanyang pangalan dahil sa cursed marks niya, oo meron talaga) at doon tayo'y nag usap. Naalala ko pa sabi ko sayo "Ipapa sniper kita " , sweet no?

Hindi nag tagal ay napunta sa "Huy ano facebook mo?" at nadagdagan ang oras na tayo'y nag kukuwentuhan. Nag ka alaman ng sikreto, gumala sa rune midgard, mag ka text ,nag tawanan at nangakong isang araw ay mag kikita tayo.

Naalala ko pa noong araw na tinanong kita 

"Majikero, nang liligaw ka ba sa akin?"

"Pwede ba? "

At doon ay lalong lumiwanag ay pananaw ko sa buhay. Ang saya ng pakiramdam.
Ibinigay ko ang matamis kong "oo, tayo na" sayo. Tayo'y masaya at laging gusto kasama ang isa't isa. Hindi ko din makakalimutan ang araw na ikaw ay lumuhod hawak ang isang palumpon ng mga rosas at sinabi ang mga salitang 

"Will you marry me?"

Nabaliw, kinilig at hindi mabasa ang mukha ng mga nakasaksi.

Tulad ng isang normal na relasyon, ang sa atin ay hindi prepekto. Nagkaroon tayo ng mga alitan , sigawan at batuhan ng mga salitang hindi maganda.

Naging lason tayo sa buhay ng isa't isa, kahit na sinusubukan nating ayusin ang kung ano mayroon sa atin ay lalo pa natin itong nasisira. 

"Ang sabi mo walang hanggan, pero eto tayo
sa dulo."

Siguro nga mas mabuti nang maghiwalay tayo at ayusin ang buhay ng isa't isa. Kaya kung nasaan ka man ngayon, kung mayroon nang nag papasaya sayo, kung may nag lalagay na ng ngiti sa iyong mga labi, kung may nag papabilis ng tibok ng iyong puso, ako'y masaya para sa iyo, masaya dahil alam kong may nakita kang tao na handang ibigay at gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa noong tayo pa.


Salamat sa iyo Ginoong Salamangkero,

-    Mananayaw sa Entablado