Ragnarok Customer Support

RO Stories: Pabaps Po

News 2017-07-23 14:54:02

"PABAPS PO"

Well.. Let me say that it all started with Ragnarok Online. I was just a simple girl with a simple heart. (Chos! ano daw?)
Sige eto na yung kwento. 

Noong paanahon na yon 2003, di ko naman talaga gusto makipag kaibigan sa mga tao except sa mga kaguild ko sa may Payon. Pero simula nung nalaman nila na babae ako, lagi na nila ako ginagawang prinsesa. Lahat ng cute na headgears binibigay nila sakin, pero bata pa ako non. 14 years old palang ako non kaya halos lahat ng tao binababy ako. Literal na gumawa pa ako ng baby novice kasi may nanay at tatay ako sa ragnarok, inadopt nila ako. Ever since non, sila na naging pamilya ko sa RO. Mag oonline ako para sabihin sa nanay ko na bilihan ako ng supplies tas makikita ko tatay ko na dalawa binibili niya lagi na gamit kasi yung isa para sakin, yung isa para sa nanay ko. Spoiled kami kahit di naman talaga magkadugo. HAHAHAHA! Ganon talaga sa RO, family na kahit di naman related.

A year has passed eh medyo di na naging active guild namin kaya may mga nameet akong taga ibang guild at gusto nila ako iadopt at gawing "muse" daw. Bakit ba ganon? Parang bawat guild may palabanan na muse tas kung sino maganda siya ang reyna ng server. May ganon ba talaga? Ganon yung naging interpretasyon ko... sabagay wala naman talaga ako pakelam non kasi gusto ko lang naman maging lvl 99 ako at umilaw. Shine bright like a diamond kungbaga.

Lumipat ako sa guild na yon at dun na mas naging malawak ang aking kaalaman sa RO. Kasi noon, lagi lang ako tumatambay sa payon at nakikipag tawanan sa mga kaguild ko at tumatambay kami lagi sa BG. Tsaka, di pa uso yung ratemyserver.net na yan. Pero kahit na marami tao sa guild ko na bago, di parin ako ganon kasociable sakanila. 

Yung payon na tambayan ko, naging Aldebaran na. Lagi lang ako nakaupo don, tinitignan mga naguusap na high priest, tas mga nagleleech sa volcano, at sumasama din ako sa mga kaguild ko. Nagtratrabaho din ako para makabili ng gamit pang woe para naman may silbe ako sa mga kaguild ko na kesa na tinatanggal nila ako lagi pag nagwowoe kasi offline ako.

Pero nagbago ihip lahat nung nagkaron ng ms.*insert server* noon. Dahil alam nila na babae ako at alam nila na medyo pwede na yung mukha ko na panlaban sa ibang babae, eh nilaban nila ako. Eh paramihan daw ng likes ng picture non e, so lahat ng taong kakilala ko pinipm ko na ilike yung picture na yun. Basta grabeng paghihirap dinanas ko nun kasi competitive talaga mga tao. 

Ako yung nanalo sa contest. Oha! At simula non mas naging kaclose ko mga kaguild ko kasi sila tumulong sakin. Ang nakakatawa din pala, sila din nag arrange nung contest na yon so parang anong point eh sila din pala magbibigay ng prize tas kaguild nila nanalo? Para masaya daw sa server siguro.

May nakaclose akong lalaki after nang paligsahan na iyon, at itago natin sa pangalang "PABAPS PO". Lagi niya kasi sinasabi yung PABAPS po sakin. Hahhahaha!
Mas matanda si PABAPS PO sakin ng isang taon at lagi lang kami naguusap sa Yahoo Messenger, oo di pa uso facebook chat non masyado. At dahil bata pa ako, bawal ako lumabas ng bahay dahil di ako pinapayagan ng nanay ko at tatay ko. 

Lagi ko siya kalaro, kasama magpalevel, kasama sa lag at dc, kasama sa boss hunt, sa tawanan at sa lahat. Napansin na lahat ng kaguild ko at lagi nila kami inaasar. Aba loka, ang bata bata pa namin may ganon na agad? Hahahaaha! 

Kinasal din pala kami in game, kasi gusto ko mag adopt ng isang maliit na character. Ako nagaya, hindi siya okay? Hahhaha! Pero nung kinasal kami, maraming pumunta tas dumiretso kami sa Amatsu at sa mga mapa na di ko alam para lang mag screenshot na naka /kis kami. Grabe ang weird parin nung feeling pero parang ang cute and ang saya nung time na yon. 

Ramdam ko naman na pagkatapos non parang mas close na kami talaga, pero di pa kami nagkikita ni PABAPS KO. 

May isang convention na pinayagan ako ng nanay ko lumuwas ng maynila at dun kami nagkita. Di naman siya ganon kagwapuhan nung nakita ko siya, cute naman siya. Pero alam ko naman na itsura niya non kasi marami siyang facebook photos. Hahahhaha! Di naman din ako maarteng babae kaya okay lang naman siya sa aking paningin. Nung kami ay nagkasama, sobrang hiya niya sakin na di siya makapagsalita. Kasama din niya iba kong kaguild. As usual, asaran nangyari pero saglit lang kami nagkausap.
 
After nung araw na yon, araw araw na kami magkausap sa call at magkatext. Lagi ko sakanya kwinekwento araw ko, ganon din siya. Hanggang sa isang araw inamin niya sakin na gusto niya ako.

Parang gusto ko naman din siya pero di ako sigurado sa nararamdaman ko kasi parang kapatid na naging turing ko sakaniya. Hindi pa uso non yung word na brotherzoned pero ganon na nga.

Hindi dahil na brotherzoned siya, eh tumigil na siya. Alam niya kasi na bata pa ako at never pako nagkaexperience sa totoong lovelife na yon.

Nagkikita kami lagi, sinasamahan niya ako sa mga events na gusto ko puntahan, nakilala din niya parents ko at parang sinusubukan niyang ipahiwatig na maganda ang intensyon niya sakin pero ako, alam ko lang ay parang magkapatid kami. Hanggang sa nagkagusto ako sa iba.

Pero di parin niya ako binibitawan.

Lumipas 3 taon, close parin kami pero hanggang sa ginive up nalang niya ako. Umalis siya sa pinas at sabi niya sakin gusto na niya mag move on saakin. Laking gulat din naman sakin syempre dahil marami kaming napagsamahan at.. mahal ko naman siya, pero hindi lang romantic. Sobrang love ko siya as bestfriend type.. yung tipong lagi ko siyang gusto kausap pero di ko lang maisip na magiging kami. 

Feeling ko ang sama kong tao kung sabihin ko na kausapin parin niya ako at magstay siya sa buhay ko dahil di ko deserve yung taong katulad niya, kaya hinayaan ko nalang siya.

5 years na nakalipas, nakakausap ko naman siya paminsan minsan. Pero hindi na kagaya nung dati. Namimiss ko yung closeness namin at yung mga sermon niya tuwing may mali akong nagagawa. 

Iba na yung landas ng buhay naming dalawa kaya parang di na magkakatagpo. 
Pero pag nagkita kami ulit, welcome parin naman siya maging part ng buhay ko, kahit friends lang. 

May mga ganon talaga no? Yung sobrang worth ng time mo pero hindi mo magawang mahalin.

END